Sadyang may mga taong sa umpisa lang talaga andyan para sa’yo. Sa umpisa lang magaling at puro pangako. Pero kapag may dumating na bago, ‘yong masasabi mong taong mas higit pa sa’yo, makakalimutan ka na lang nila bigla at ‘yon, ang mga pangako’y napako. Totoo ngang, people come and go. Kapag may umalis, paniguradong may darating at papalit na mas karapat-dapat, ‘yong mas deserving sa panahon at oras mo. ‘Wag mong pag-aksayahan ng oras na habulin ang isang taong hindi nila nakikita at hindi nila alam ang worth mo.
Namiss ko mag tumblr. :D Kamusta kayo?
Kapag nagmahal ka, wag kang aasa kung ano yung nararamdaman ng puso mo Tandaan mo na minsan ang paggamit ng utak ay mas nakabubuti. Next, wag mong gagamitin ang mata mo para umiyak sa taong nanakit sayo. Instead, gamitin mo ito para maghanap ng iba. Lastly, wag kang matakot sa pakikipaghiwalay. Take note, mahalin mo yung taong ipaglalaban ka at handang harapin lahat ng pagsubok na darating sa inyong relasyon. Yung taong matatawag mong partner kesa lover.